Sa Kanayunan

Kung ako ang papipiliin, ninanais ko pa rin ang mamuhay sa kanayunan, malayong-malayo sa gulong kinasasadlakan ngayon ng abang lungsod. Karaniwan nang namumutawi sa ating mga labi ang kinagisnang kamusmusan na kung minsan ay hindi natin malirip kung paano naglaho ng ganoon na lamang at tila isang panaginip na lamang ng ating balintataw.
Matalinghaga ang pagiging tao. Hindi bat sa kaibuturan ng ating mga guni-guni ay ninanais nating lumaki na sana tayo kaagad nang ang mga katanungang pnaglalaruan lamang ang ating pangitain ay masagot nang walang patumangga. Minsan nga, sinasabi natin noon na pagal na pagal na ang ating nanlulupasay na katawan sa gitna man ng nanggagalit na sikat ng araw o nang gabing mahalimuyak sa amoy ng mga bagong sibol na bulaklak ng palay.
Kinalaunan, kapag tayo’y nasa tamang edad na, bangungot pala kapag nauunawaan na ng puso at kaluluwa ang mga malalaswang ingay at makamundong balakid noon ng kamusmusan.
Minsan, naghahanap din tayo ng kasagutan, ng mga kadahilanang naging bakas na ng nakaraang pilit pa rin nating muling agawin upang ang gumagaralgal na tinig
ay mapawi man lamang. Ngunit ang bakas ay bakas. Wika nga Joseng Batute, maghilom ma’y balantukan at ang dating ngiti ay pinawi ng mga agam-agam kahit na maliwanag na kalooban ay simputi ng bulak.
Ngunit sa banda pa roon, maaaaring muling maaaninang ang maninipis na halakhak ng kamusmusan na minsa’y ating napagdaanan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s